Your Ad Here Your Ad Here

Friday, May 16, 2008

THE MAKATI SCIENCE VISION WAGI SA NSSPC, TEODORO VALENCIA



Unang Inilathala sa Ang Kadluan, Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Makati, Hunyo 2007-Marso 1998, p. 1


Itinanghal sa unang pwesto bilang Best News Page, ikalima sa Best School Paper [of the Year,] at ikaanim sa Best Features and Literary Page ang The Makati Science Vision sa ginanap na 2008 National Schools Press Conference sa Koronadal [City], South Cotabato, Peb[.] 18-22.

Nauna rito, hinakot ng The Makati Science Vision ang unang pwesto sa kategoryang Best News Page at Best Editorial Page, ikatlong pwesto sa Best Features and Literary Page at Best Sports Page, at ikaanim na pwesto sa Best Layout and Page Design sa 2007 Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) Secondary Schools Press Conference Group Contests na ginanap sa Saint Scholastica's Academy of Marikina, Nob. 19 at 26 at Dis. 3.

Samantala[,] sa 23rd Teodoro Valencia Search for Outstanding Campus Journalists, School Papers, and School Paper Advisers, nakuha nito ang ikalawang pwesto sa Best School Paper at Best Editorial Page, ikaapat na pwesto sa Best News Page at Best Layout and Page Design, ikawalong pwesto sa Best Sports Page, at ikasampu naman sa Best Features and Literary Page na ginanap sa ParaƱaque National High School, Enero 21.

Sa ikalawang pagkakataon, itinanghal na Outstanding School Paper Adviser in NCR si G. Alixander Haban Escote.

Kasabay nito ang unang pwesto ni John Edward Dominique Dela Paz Dalida sa 10 Outstanding Campus Journalists in NCR matapos niyang makamit ang lima sa anim na timpalak sa pagsulat.

Nasungkit ni Dalida ang unang pwesto sa Copy Reading and Headline Writing at Feature Writing, ikapito sa Science News Writing, ikawalo sa Editorial Writing[,] at ikasiyam sa Sports Writing.

Sa kasaysayan ng The Makati Science Vision, pang-apat na si Dalida na nanalo sa Teodoro Valencia Outstanding Campus Journalist.

Ang unang tatlo ay sina Don Michael Acelar De Leon (2006), Ivy Mae Cleopaz Vitanzos (2002), at Anna-Marie San Marcelino Villa (2000).

Samantala[,] sa mga naunang taon sa Teodoro Valencia Search, nakamit ng The Makati Science Vision ang ikatong pwesto bilang Best School Paper noong 2007; ikalawang pwesto, 2005; ikaapat, 2004; at ikalima naman noong 2003.

Itinataguyod taun-taon ng Teodoro Valencia Foundation at ng DepEd-NCR Secondary School Paper Advisers Association and timpalak na ito.

No comments: